Revised Franchising and Regulation Ordinance of Motorized Tricycles Operating Within the Territorial Jurisdiction of the Municipality of Bayombong

Pinatutupad na ng LGU Bayombong ang mahigpit na panuntunan sa Tricycle-for-Hire upang matiyak ang ligtas, maayos, at patas na biyahe. Dapat nakapaskil ang Fare Matrix, malinaw ang case number, pangalan at address ng operator, pati ID ng driver, at kailangang may dalang balidong Professional Driver’s License mula sa LTO.

May itinakdang sukat ang bawat unit (43” floor-to-roof, 7” seat frame, 8” ground clearance), at ipinatutupad ang disenteng dress code. Ang pasahe ay P18.00 sa unang 3 km at P3.00 kada dagdag na kilometro, at hanggang 3 pasahero sa sidecar at 1 back rider lamang. Ang overcharging, colorum operation, at iba pang paglabag ay may katapat na multa at posibleng pagkansela ng MTOP.