PAGTUTOL NG MGA ALKALDE
Sa naganap na pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines – Nueva Vizcaya Chapter sa pangunguna ni Mayor Benjamin Lloren Cuaresma III noong October 8, 2025, tinalakay ang mga isyung mahalaga sa lalawigan.
Sa nasabing pagpupulong, isa si Mayor TGB sa majority na pumirma sa Resolution No. 2025-016 na nagpapahayag ng matatag na PAGTUTOL NG MGA ALKALDE SA ANUMANG APLIKASYON PARA SA MINING EXPLORATION AT FUTURE MINING ACTIVITIES SA LOOB NG NUEVA VIZCAYA — bilang pagkilos para mapanatili ang likas na yaman, kalinisan, at kalusugan ng kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.




